^

PSN Palaro

Heavy Bombers, Pirates humigpit pa ang kapit para sa No. 4 slot sa F4

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Humigpit pa ang bakbakan para sa ikaapat at huling puwesto sa Final Four nang magsipanalo ang Jose Rizal University at Lyceum sa 87th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagsalitan sina Jeckster Apinan, Raycon Kabig­ting at Nate Matute sa pa­ngunguna sa opensa ng ko­ponan mula ikalawang yugto habang solido naman ang kanilang depensa upang makuha ng Jose Rizal University ang ikatlong sunod na panalo at kabuuang 6-9 baraha.

Sa ikatlong yugto tulu­yang bumulusok ang opensa ng Heavy Bom­bers at ang 17-5 palitan ang naglayo sa koponan sa 60-44.

“Gaya ng sinabi ko noon, ang depensa namin ang aming pinakamagandang opensa. Akala ko ay bababa ang laro ng mga bata matapos ang mala­king panalo sa San Beda pero alam nila ang kaha­lagahan ng bawat game sa paghahabol sa Final Four,” wika ni JRU coach Vergel Meneses.

Si Apinan ay tumapos taglay ang 17 puntos, 10 rebounds at 3 steals habang sina Kabigting at Matute ay mayroong 14 at 11 bukod pa sa tig-dalawang tres.

Nauna namang nagpasikat ang Pirates nang bumangon ang koponan mula sa 10 puntos paghahabol, 57-67, tungo sa 77-73 panalo tungo sa 6-9 win-loss slate.

Hiniritan ng pressing de­fense ng kulang sa taong Pirates ang Generals para maibalik ang sarili sa laban.

Ang tres ni Gian Mallari may 42 segundo sa orasan ang bumasag sa huling tabla sa 70-all bago kumana ng magkasunod na free throws sina Jhygruz Laude at Floricel Guevarra para kunin ang 77-70 bentahe.

Dahil sa mga panalong ito, ang Jose Rizal at Lyceum ay kapos na lamang ng kalahating laro sa nasa ikaapat na Mapua para matiyak na magiging kapana-panabik ang sunod na mga laban sa liga.

 

FINAL FOUR

FLORICEL GUEVARRA

GIAN MALLARI

HEAVY BOM

JECKSTER APINAN

JHYGRUZ LAUDE

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

NATE MATUTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with