LAPU LAPU CITY, Cebu, Philippines -- Tinapos ng Chinese-Taipei ang kanilang labanan ng Philippine Team mula sa 3-2 panalo sa Asia-Oceania Davis Cup relegation tie kahapon dito.
Yumukod si Fil-Am Treat Huey kay Chen Ti, 6-3, 7-6 (2), 6-2, sa reverse singles para patuloy na manatili ang Taiwan sa Group I sa pang pitong sunod na taon.
"It was a tough match, tough weekend," ani Huey, nauna nang nagtala ng 6-4, 6-4, 6-3 tagumpay laban kay Chinese- Taipei No. 2 Jimmy Wang noong Biyernes.
Natalo sina Huey at Cecil Mamiit ng isang 6-3, 4-6, 6-2, 3-6, 6-8 kina Lee Hsin Han at Yi Chu Huan sa doubles noong Sabado.
Sa isang non-bearing game, ginitla naman ni youth standout Jeson Patrombon sa ikalawang reverse singles, si Wang, 1-6, 6-4, 6-3.