^

PSN Palaro

Ortiz na-TKO ni M'weather

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Mailalagay sa hanay na kontrobersyal na pagtatapos ang tagisang naganap sa pagitan nina Floyd Mayweather, Jr. at Victor Ortiz kahapon sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Inagaw ng walang talong si Mayweather ang WBC welterweight title ni Ortiz nang pakawalan nito ang kaliwa’t kanan sa hindi handang kampeon para matulog ito may 2:59 sa orasan sa fourth round.

Kontrolado ni Mayweather ang kabuuan ng la­ban pero pansamantalang itinigil ni referee Joe Cortez ang laban nang bawasan niya ng puntos si Ortiz dahil sa intentional headbutt.

Linapitan ni Ortiz si Mayweather at inakap at hinalikan sa pisngi bilang tanda ng paghingi ng tawad.

Ipinagpatuloy ni Cortez ang laban pero lumapit uli si Ortiz at umakap kay Mayweather. Nang naghiwalay ay dito agad na pinakawalan ng dating pound for pound king ang magkasunod na pamatay na suntok.

“We touched gloves and we were back to figh­ting and then I threw the left and right hand after the break. In the ring, you have to protect yourself at all times,” wika ni Mayweather na binatikos ng ilan dahil sa umanong pandaraya sa aksyong ginawa.

Ngunit nilinis ni Cortez si Mayweather sa anumang kamalian.

Aminado naman si Ortiz na idinepensa sa unang pagkakataon ang titulong inagaw kay Andre Berto noong Abril 16, na nagkamali siya at hindi tunay na natalo ni Mayweather.

May 42-0 kasama ang 26 KO si Mayweather, habang may 29-3-2 (22 KOs) si Ortiz.

vuukle comment

ABRIL

AMINADO

ANDRE BERTO

FLOYD MAYWEATHER

GRAND ARENA

JOE CORTEZ

LAS VEGAS

MAYWEATHER

ORTIZ

VICTOR ORTIZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with