^

PSN Palaro

Smart Gilas minasaker ang Bahrain

- Joey Villar, Nelson Beltran -

WUHAN--Habang hinihintay pa ang clearance para kina Marcio Lassiter at Chris Lutz, tinalo ng Smart Gilas Pilipinas ang Bahrain, 113-71, sa 26th FIBA Asia Championship kahapon dito.

Si Japeth Aguilar ang nanguna sa ratsada ng Nationals sa third quarter sa kanilang paggupo sa mga Bahrainis matapos mabigo sa mga Chinese noong Biyernes

Dadalhin ng Smart Gilas, giniba ang United Arab Emirates, 92-52, noong Huwebes, sa second round ang 2-1 win-loss record sa kanilang pagharap sa Japan, Jordan at alinman sa Syria o Indonesia.

Kailangan nilang manalo ng dalawa upang makaiwas sa powerhouse squad sa knockout plays.

“We used today’s ga­me to help our players get ready for the next round. We’re not 100 percent battle-ready at this time, and I told the players to try to catch up,” sabi ni Smart Gilas coach Rajko Toroman.

Bago ang laro laban sa Bahrain ay isinumite ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa FIBA World ang mga dokumento na maaaring magpalaro kina Lassiter at Lutz.

Itinampok naman ng mga Bahrainis si dating La Salle Green Archer Bader Malabes.

Sa iba pang laro, kinumpleto ng Japan ang isang three-game sweep sa Group C matapos ta­lunin ang Syria, 77-55.

ASIA CHAMPIONSHIP

BAHRAIN

BAHRAINIS

CHRIS LUTZ

GROUP C

LA SALLE GREEN ARCHER BADER MALABES

MARCIO LASSITER

RAJKO TOROMAN

SAMAHANG BASKETBOL

SMART GILAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with