^

PSN Palaro

Hawks giniba ang Phoenix para sa 10 dikit na panalo

-

MANILA, Philippines - Umiskor ang nagdedepensang University of Manila ng impresibong panalo makaraang igupo ang Our Lady of Fatima Universi­ty, 76-69 sa pagpapatuloy ng 11th NAASCU men’s basketball tournament sa Makati Colisuem.

Inilabas ni Eugene Torres ang pormang nagpu­tong sa kanya ng MVP/ROY noong nakaraang sea­son, matapos banderahan ang Hawks sa panalo sa paglista ng game-high 27 puntos at ibigay sa Sam­paloc-based dribblers ang solong pangunguna sa ligang ito na inorganisa ni NAASCU president Dr. Ernesto ‘Jay’ Adalem ng host school St. Clare College-Caloocan.

Ang kabiguan ay nag­laglag naman sa Phoenix sa 6-5 win-loss slate kung saan namuno si Dexter Ro­sales na tumipa ng 24 puntos.

Nagdagdag naman sina Jeff Alvin Viernes at Andrew Rivera na nagbi­gay ng 23 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa Hawks na suportado rin ng Zycare Pharma.

Sa ibang laro, nagpakitang gilas rin ang STI College nang kanilang pabagsakin ang Centro Escolar University, 67-63, habang nalusutan naman ng AMA Computer University ang Informatics International Colleges, 70-68.

Kapwa tumapos sina Jerald Bautista at RK Morales ng tig-15 puntos parasa Olympians na itinakas ang kanilang ika-9th na pa­nalo matapos ang 11 laro na nagdala sa kanila upang masolo ang ikalawang puwesto.

Bunga ng pagkatalo ng CEU, nalaglag sila sa ikatlong puwesto.

Sumandig ang Titans sa husay ng dating UST mainstay na si Mark Manga­lindan na kinumpleto ang three-point play may 1.5 segundo na lamang ang nalalabi sa laro upang ibigay sa koponan ang ikalimang panalo matapos ang 11 laro.

ANDREW RIVERA

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

COMPUTER UNIVERSITY

DEXTER RO

DR. ERNESTO

EUGENE TORRES

INFORMATICS INTERNATIONAL COLLEGES

JEFF ALVIN VIERNES

JERALD BAUTISTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with