^

PSN Palaro

3rd semis berth puntirya ng Lions vs Heavy Bombers

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Selyuhan ang ikatlong puwesto sa Final Four ang balak ng San Beda ha­bang lumapit naman sa number one seeding ang pa­kay ng San Sebastian sa pagpapatuloy ng aksyon sa 87th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Magbabalik sa aksyon ang nagdedepensang Red Lions mula sa 12-araw na pamamahinga sa pag­harap sa inspiradong Jose Rizal University na magsisimula matapos ang bakbakan ng Stags at host Perpetual Help sa ganap na alas-2 ng hapon.

Ika-14 sunod na panalo ang nakataya sa Stags kung manalo sa Altas at hindi malayong totodo ang tropa ni coach Topex Robinson matapos niyang punahin ang kalawang ng killer instinct ng kanyang bataan.

Huling nanalo ang Stags sa St. Benilde, 86-70, na kung saan hindi na­ging masaya si Robinson sa ipinakita ng kanyang bataan na dapat ay nanalo ng mas malaki kung di lamang nag­kalat dahil sa sobrang kumpiyansa.

“We’re using these ga­mes as our preparation for bigger games but I still couldn’t see the killer ins­tinct. We just can’t be satisfied because we can still play a lot better,” wika ni Robinson.

Sina Calvin Abueva, Ronald Pascual at Ian San­galang ang mga kakamada uli sa koponan ngunit isang bagay na dapat nilang gawin ay limitahan ang mga errors na maaring makadanyos sa koponan kapag nakaharap ang mga mas malalakas na team sa liga.

Samantala, ika-11 panalo na magbibigay ng puwesto sa semifinals ang nakaumang naman sa tropa ni coach Frankie Lim kapag nanalo sa JR.

Patok ang Lions sa ka­tunggali matapos kunin ang 77-69 tagumpay sa unang pagtutuos ngunit hindi naman puwedeng basta-basta isantabi ang lakas na makapanggulat ang tropa ni coach Vergel Meneses.

Manggagaling ang Heavy Bombers sa 79-69 panalo sa Arellano nitong Lunes para tapusin ang apat na sunod na kabiguan at buhayin pa ang paghahabol sa ikaapat at huling puwesto sa Final Four.

Sina Jeckster Apinan, John Lopez at Byron VIllarias ang mga magtutulung-tulong para maigupo ng JRU ang malakas na puwer­sa ng Lions sa pamumuno nina Garvo Lanete, Kyle Pascual at David Marcelo.

vuukle comment

DAVID MARCELO

FINAL FOUR

FRANKIE LIM

GARVO LANETE

HEAVY BOMBERS

IAN SAN

JOHN LOPEZ

JOSE RIZAL UNIVERSITY

KYLE PASCUAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with