^

PSN Palaro

Padilla umasinta ng silver, tsansa sa 26th SEAG lumakas

-

MANILA, Philippines - Binigyan ni Laos SEA Games gold medalist Na­thaniel “Tac” Padilla ang sarili ng magandang momentum patungo sa 26th SEAG nang kunin ang pilak na medalya sa idinaos na South East Asian Shooting Association (SEASA) championships sa Vientiane, Laos ka­makailan.

Humataw si Padilla sa final series upang makuha ang karapatan na labanan ang Guangzhou Asian Games silver medalist ng Vietnam na si Ha Minh Thanh.

Ngunit kinapos si Padilla na naunang gumawa ng 563 puntos sa first stage para malagay sa ikalimang puwesto, at nakontento lamang sa pilak kulang ng dalawang puntos sa nag-gintong si Thanh sa rapid fire event.

“Lamang pa ako ng isa sa last shot ng finals series. Pero ganon tala­ga dikit ang laban at kahit sino sa amin ay maaaring manalo ng ginto,” wika ni Padilla na general manager din ng Spring Cooking Oil.

 Isang five-time SEA Games champion sa rapid fire pistol, kontento si Padilla sa nagawa dahil may sapat pang panahon siya upang mas mapaganda ang pagputok bago ang aktuwal na SEA Games sa Nobyembre.

Ang pilak ni Padilla ang ikalawang nakuha ng dele­gasyon matapos ibigay ng 15-anyos Jayson Gonzales ang ganitong medalya sa men’s air rifle.

Si Therese Gutierrez na tulad ni Valdez ay kabilang sa National Youth Development Program na pinasimulan ni Padilla ay naghatid naman ng bronze medal sa ladies prone rifle event.

Tiwala naman si natio­nal coach Bartolome Teyab na aani ng ginto ang kopo­nan sa SEA Games dahil sa ipinakita ng mga inilaban sa nasabing torneo.

vuukle comment

BARTOLOME TEYAB

BINIGYAN

GUANGZHOU ASIAN GAMES

HA MINH THANH

JAYSON GONZALES

NATIONAL YOUTH DEVELOPMENT PROGRAM

PADILLA

SI THERESE GUTIERREZ

SOUTH EAST ASIAN SHOOTING ASSOCIATION

SPRING COOKING OIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with