^

PSN Palaro

Pacquiao gagamit ng ibang atake kay Marquez

- Abac Cordero -

MANILA, Philippines - Alam na ni Manny Pacquiao ang kanyang mga nagawang kamalian mula sa kanilang dalawang beses na laban ni Juan Manuel Marquez, ang pinakamahu­say na Mexican counterpuncher.

Sinabi ng kanyang trai­ner na si Freddie Roach na nagpa-plano sila ng naiibang pag-atake sa Nob­yembre 12.

“We're not going to walk into his punch” sabi ng cele­brated trainer.

Sa kanilang dalawang ulit na paghaharap, dumiretso si Pacquiao sa right hand ng Mexican at nasaktan.

Tumanggap rin si Pacquiao ng ilang uppercuts mula kay Marquez. Duguan si Pacquiao sa natu­rang mga laban.

Ngunit sinabi ni Roach na iba na ang kanilang ma­giging plano.

“We will be more scien­tific in this fight,” ani Roach, nag-iisip na ng ka­nilang gagawin mula umaga hanggang gabi.

Si Roach, kasaluku­yang nasa Los Angeles, ay darating sa Manila sa Sabado at kinabukasan ay aakyat sa Baguio para sa kanilang three-week training.

“In the first two fights, we got careless trying to land one good shot,” sabi ni Roach sa nangyaring draw noong 2004 at split decision para kay Pacquiao noong 2008.

Bago pa man ang ka­nilang press tour noong na­karaang linggo ay nag­pa­pakondisyon na si Pacquiao.

“Marquez is tough,” ani Pacquiao, nagpapawis sa Planet Jupiter Gym kamakalawa para sa isang workout.

ALAM

DUGUAN

FREDDIE ROACH

JUAN MANUEL MARQUEZ

LOS ANGELES

MARQUEZ

PACQUIAO

PLANET JUPITER GYM

SHY

SI ROACH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with