^

PSN Palaro

Apat na koponan magpipilit makasilip ng tsansa sa semis

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Palalakasin pa ng apat na nangungulelat na kopo­nan ang paghahabol sa Fi­nal Four sa second round ng 87th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan.

Mangunguna sa mga mag­lalaban-laban ang host Perpetual Help na balak na makagawa ng kanilang kauna-unahang back-to-back wins sa pagharap sa Emilio Aguinaldo College ngayong alas-4 ng hapon.

Mag-uunahan naman ang Arellano at Jose Rizal Uni­versity na tapusin ang ka­nilang losing streaks sa pag­kikita sa unang tagisan sa alas--11:45 ng tanghali.

Nasa ikapitong puwesto ang Chiefs sa kanilang 4-9 karta, habang ang Heavy Bombers at Generals ay magkasalo sa 3-9 at na­ngu­ngulelat naman ang Altas sa kanilang 3-10 ba­ra­ha.

Pero ang mga kopo­nang ito ay pawang palaban pa sa ikaapat at hu­ling puwesto sa Final Four dahil ang Mapua na siyang umookupa sa mahalagang puwesto ay mayroon pa la­mang anim na panalo sa 13 laro.

Ang Altas ay papasok sa bakbakan mula sa isang 78-73 panalo laban sa Lyceum noong Setyembre 5.

“Gusto ko na nakikita ko sa kanila na nagtutulu­ngan at lumalaban. Kaya ang credit sa mga nakuha naming panalo ay dahil sa mga players,” wika ni Per­petual rookie coach Jimwell Gican.

Binibigyan ang Altas ng tsansa na manalo sa Ge­ner­als na mayroong limang sunod na kabiguan upang masayang ang naunang itinayong 3-4 karta.

Sina Jet Vidal, Justine Alano at Anthony Paulino ang mga magtutulung-tulong muli para sa Perpetual, habang sina Jan Jamon, Joshua Torralba at Claude Cubo ang babalikat sa laban ng EAC.

May dalawang sunod na kabiguan naman ang Chiefs na papasok sa laban kontra sa Heavy Bombers na talunan sa kanilang hu­ling apat na laro.

Napahinga ng anim na araw ang Arellano matapos lasapin ang 64-66 kabiguan sa St. Benilde at inaasa­hang ginamit ng koponan ang bakasyon para mas mapaghandaan ang Jose Rizal, natalo sa San Sebastian College, 78-59, sa kanilang huling asignatura.

Dala ng Stags ng 13-0 rekord kasunod ang Knights (12-1) at Red Lions (10-1).

ALTAS

ANG ALTAS

ANTHONY PAULINO

ARELLANO

CLAUDE CUBO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

HEAVY BOMBERS

JAN JAMON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with