^

PSN Palaro

'Trilogy' mas maaksyon

- Ni ACordero -

BEVERY HILLS - Isa la­mang ang tiniyak ng mga trainers nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez: Isang matinding bakbakan.

“This morning I was asked if the first two fights will ever be forgotten,” wika ni Mexican training legend Nacho Beristain sa press conference kahapon dito.

Ang tinutukoy ni Beris­tain ay ang mga classic fights nina Marquez at Pac­quiao noong 2004 at 2008.

Patuloy na pinag-uusa­pan ang naturang dalawang beses na pagtatagpo nina Pacquiao at Marquez. At sinabi ni Beristain na ma­ririnig pa rin ito kahit na papalapit na ang kanilang ikatlong banggaan.

“No, it will never be forgotten because those are two classic fights,” wika nito sa laban nina Pacquiao at Marquez sa Nobyembre 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Naniniwala ang Mexican trainer na mas magiging maganda ang pangatlong sagupaan nina Pacquiao at Marquez kumpara sa nakaraan nilang dalawang sapakan.

“The third one will be the best of the three. A classic, too, and I’m very happy to be involved with it. I’m sure this will be the best trilogy of boxing ever,” dagdag ni Beristain.

Sinang-ayunan naman ni Freddie Roach ang mga pahayag ni Beristain.

“This will be a classic fight that we’ve wanted for a long time,” sambit ni Roach na nagsabing alam niyang mas magi­ging handa ang kampo ng Mexicans. “We’re gonna be at our best.”

Samantala, ang lahat ng 16,000 tickets sa MGM Grand para sa fight night ay sold out na.

Samantala, ang libu-li­bong milyang biniyahe mula Manila hanggang sa New York patungo sa Los Angeles at papunta sa Mexico sa ibat ibang time zones sa huling apat na araw ay may epekto sa dalawang boxers.

“Good afternoon, good morning, good night,” sabi ni Juan Manuel Marquez sa microphone sa mga bumati sa kanya sa press conference dito sa Beverly Hills Hotel.

May mga tawanan.

“From the Philippines, New York and here I don’t know what the time is,” dagdag ni Marquez na tila nagmamakaawa ng ka­unting pagtulog ukol sa kanilang press tour ni Pacquiao.

Bumiyahe ng 25,000 milya para sa press tour, wala pa halos pahinga ang kampo nina Pacquiao at Marquez kung saan sila nagpalipat-lipat ng eroplano at sumakay sa mga itim na SUVs para sa press conferences, interviews at photo shoots.

vuukle comment

BERISTAIN

BEVERLY HILLS HOTEL

FREDDIE ROACH

FROM THE PHILIPPINES

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MARQUEZ

NEW YORK

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with