^

PSN Palaro

Germany mabigat na kalaban sa WPA

-

MANILA, Philippines - Kung may isang kopo­nan na tila mahirap tibagin sa idinadaos na 2011 World Cup of Pool, ito ang German team na binubuo nina Ralf Souquet at Thorsten Hohmann.

Nagpakita ng husay sa pagtumbok at kontrol sa bola, sina Souquet at Hohmann ay umukit ng 8-0 panalo laban kina Greg Jenkins at David Rothall ng Australia sa unang laro kahapon sa SM North EDSA Mall sa Quezon City.

Kumbinsido naman si Hohmann na magiging pro­duktibo ang kanilang tambalan ni Souquet lalo nga’t pareho silang nagmula sa malalaking panalo bago ang torneong ito.

Sunod na kalaban ng Germany ay ang Malaysia sa second round nang ma­nalo sina Ibrahim Amir at Patrick Ooi kina Stephan Cohen at Vincent Facquet ng France, 8-6.

Sina dating kampeon Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante ng Pilipinas ay nakasama rin sa mga lumusot sa first round nang kunin ang 8-4 panalo laban sa di pa gaanong bihasang sina Omar Al Shaheen at Khaled Al Mutaira ng Kuwait.

DAVID ROTHALL

GREG JENKINS

HOHMANN

IBRAHIM AMIR

KHALED AL MUTAIRA

OMAR AL SHAHEEN

PATRICK OOI

QUEZON CITY

RALF SOUQUET

SOUQUET

STEPHAN COHEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with