Pagtaas sa salary cap suportado ni Mondragon

MANILA, Philippines - Suportado ng bagong PBA board chairman Mamerto Mondragon ang panukalang taasan ang salary cap ng bawat kasaping koponan sa professional league.

Kasabay nito ay hinimok din niya ang mga kasapi na tumalima sa mga napagkakasunduang regulasyon upang maging pantay-pantay ang lakas ng mga nagta­tagisang koponan.

“At first, we’re against increasing the P350,000 maximum monthly pay. But we’re supportive of the plan now. Let’s do it so we rid the PBA of bad perception,” wika ni Mondragon na kinatawan ng Rain or Shine.

Inilabas ni Alaska team owner Wilfred Uytengsu ang paniniwalang may mga koponang nagpapasuweldo ng mataas at lampas ang mga ito sa napagkasunduang salary cap. Sang-ayon si Mondragon sa paniniwalang ito pero mahirap umano itong patunayan.

“It’s hard to point which teams but it just can’t be denied. It has become an accepted practice,” wika ni Mondragon.

Nauna ng sinabi ni PBA commissioner Chito Salud ang pagnanais niyang itaas ang salary cap ng 20 porsiyento ang kasalukuyang P350,000 maximum salary.

“The cap has been there for the past 10 years and it’s time to review it for it to be effective,” paliwanag ni Salud.

Gagawa naman ng sariling proposal si Mondragon na ipapasang-ayon sa PBA Board sa pagpupulong ngayon sa PBA office sa Libis, Quezon City.

Samantala pinapirma naman ng bagong kontrata ng Elasto Painters si Fil-Am Gabe Norwood ng nagka­ka­halaga ng P8.4 milyon para sa dalawang taong ser­bisyo.

Show comments