St. Benilde Blazers, Perpetual Altas nanggulat

MANILA, Philippines - Sinandalan ng St. Benilde ang dalawang split ni Anton Altamirano para sa 66-64 panalo laban sa Arellano sa 87th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Lumayo na sa 62-48 ang Blazers, may 5-7 baraha ngayon, sa fourth quarter pero nangarag sila dahil sa pag-iinit ni Vergel Zulueta na kumunekta sa 3-point line.

Dalawang dikit na tres ang ginawa ni Zulueta upang ilapit ang Chiefs sa 64-65 sa huling 11.3 segundo.

Nagpaka­wala naman ng isang 5-0 bomba sa huling 1:24 ng laro ang Perpetual Help para gulatin ang Lyceum, 78-73, sa isa pang laro.

Matapos ibigay ni Jhygruz Laude ang 74-73 mula sa kanyang split, sumagot si Jet Vidal ng isang lay-up, habang magandang pasa ang ibinigay ni Earl Thompson sa nag-cut na si George Allen upang ilayo sa 76-73 ang Altas (3-10) kontra Pirates.

Show comments