MANILA, Philippines - Nagtambal sina Norberto Torres at Almond Vosotros sa second half upang mawakasan ng La Salle ang apat na sunod na kabiguan sa second round mula sa 73-72 panalo kontra UP sa 74th UAAP men’s basketball kahapon sa Araneta Coliseum.
May 15 puntos at 12 rebounds si Torres, habang may 12 marka si Vosotros sa third period para makabangon ang Green Archers mula sa 13-33 pagkakaiwan sa second period.
Ang split ng 6-foot-7 na si Torres sa huling 14.4 segundo ang nagbigay sa La Salle ng 73-70 lamang.
Ang follow-up ni Paolo Romero para sa UP sa final buzzer ang nagtala ng pinal na iskor.
May 5-7 rekord ang Green Archers na kailangang maipanalo ang huling dalawang laro at umasang matalo sa huling dalawang laban ang UST Tigers (7-5) para sa playoff sa ikaapat na silya sa Final Four.
May 19 puntos si Mike Silungan para sa Maroons.
Samantala, naging ikatlong koponan ang FEU na nakatapak sa Final Four nang magwagi sa UE, 78-68, sa unang laro.
May 8-4 baraha ngayon ang Tamaraws.
Parehong may 2-11 karta naman ang UE at UP.
FEU 78 - Romeo 21, Garcia 21, Ramos 13, Bringas 8, Escoto 6, Tolomia 5, Cruz 4, Pogos 0, Foronda 0, Knuttel 0, Exciminiano 0.
UE 69 - Zamar 12, Sumido 12, Sumang 11, Noble 11, Santos 10, Flores 8, Zosa 3, Tagarda 2, Sabangan 0, Montelibano 0, Javier 0, Chavez 0, Enguio 0, Casajeros 0, Duran 0.
Quarterscores: 20-9; 41-29; 58-45; 78-69.