Mga batang jins magpapakitang gilas sa 'Nikki Coseteng Cup'
MANILA, Philippines - Hahataw sa Oktubre ang Diliman Preparatory School Quezon City (DPS QC) Age-Group Taekwondo Championships.
Ang torneo na tatawaging ‘Nikki Coseteng Cup’ para sa pangulo ng DPS at dating senador, ay inaasahang magdadala ng 1,200 kalahok mula sa mga paaralan sa National Capital Region. Ang DPS ang taunang venue ng kompetisyong kinikilala ng Philippine Taekwondo Association.
Bulod sa certificates at medalya na matatanggap ng mga mananalo, sila rin ang kakatawan sa Pilipinas sa 4th Chicago International Taekwondo Winter Games sa Illinois sa Nobyembre 11-13.
Ang delegasyon ng Pilipinas ay pangungunahan ni Coseteng at iko-coach ni Nap Dagdagan Jr.
Para sa detalye tumawag sa (0928) 525-2835, (02) 4340954 o sumulat sa [email protected].
- Latest
- Trending