^

PSN Palaro

Air Force, Navy asam ang krusyal na panalo

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Palalakasin ng Philippine Air Force at Philippine Navy ang kanilang mga tsansa para sa isa sa dala­wang natitirang tiket sa Final Four.

Nakatakdang magtagpo ang Airwomen at Lady Sailors ngayong alas-4 ng hapon sa quarterfinal round ng Shakey’s V-League Open Conference sa The Arena sa San Juan.

Nakuha na ng Philippine Army at San Sebastian College ang unang da­lawang semifinals berth mula sa kanilang 4-0 at 3-1 rekord, ayon sa pagkakasu­nod, sa itaas ng Ateneo De Manila University (2-2), Air Force (1-2), Navy (1-3) at Maynilad (0-3).

Sa unang laro sa alas-2, makakaharap ng Lady Troopers ang namemelig­rong Water Dragons.

Tinalo na ng Lady Sai­lors ang Airwomen via three-set win sa kanilang unang pagtatagpo sa eliminasyon noong Agosto 14.

Hangad ng Air Force at Navy ang playoff para sa isang semifinals seat.

Muling babanderahan nina dating Most Valuable Player awardees Nene Bautista at Suzanne Roces ang Lady Sailors katuwang sina Michelle Laborte, Cecile Cruzada, Rose Prochina at Janet Serafica.

Pangungunahan naman nina Aiza Maizo, Jennifer Manzano, Liza Deramos, Amelia Guanco at Wendy Semama ang Airwomen.

Isang injury ang nagpa-upo kay Cherry Macatangay para sa Air Force.

Sa inisyal na aksyon, huhugot naman ng natitirang tsansa ang Maynilad laban sa Army.

Para makatangay ng playoff para sa ikaapat at huling semis slot, kailangan talunin ng Water Dragons ang kanilang huling dalawang laban kasabay ng pagdarasal na hindi ma­katatlong panalo ang Lady Eagles, Airwomen at Lady Sailors.

AIR FORCE

AIZA MAIZO

AMELIA GUANCO

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

CECILE CRUZADA

CHERRY MACATANGAY

FINAL FOUR

JANET SERAFICA

JENNIFER MANZANO

LADY SAILORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with