^

PSN Palaro

Drago pinasargo ni Orcollo

- Ni Russell Cada-yona -

MANILA, Philippines - Sinargo ni Filipino dedfending champion Dennis “Robocop” Orcollo ang kanyang unang panalo matapos igupo si Tony “Tornado” Drago ng Malta, 8-2, sa pagsisimula ng 19th year Party Poker World Pool Masters kahapon sa The Block sa SM North Edsa sa Quezon City.

Inangkin ni Orcollo ang 2010 World Pool Masters title nang talunin si Japanese Toru Kuribayashi, 8-3, sa finals sa Las Vegas, Nevada.

“Dito sa race-to-8, winner’s break format, importante na manalo ka agad sa unang laro mo,” sabi ni Orcollo. “Kasi isang talo mo puwede kang mawala dahil maraming magagaling na naglalaro dito sa tournament.”

Kaagad na ki­nuha ni Orcollo ang malaking 6-1 lamang laban kay Drago.

Ang mintis ni Orcollo sa No.7 ball ang nagbigay kay Drago ng pagkakataon para makalapit sa 2-6 bago angkinin ng Filipino cue master ang sumunod na da­lawang lamesa.

May nakalatag na $20,000 top prize sa nasa­bing Matchroom Sports organized three-day event.

Makakatapat ni Orcollo sa quarterfinals ngayong hapon ang mananalo sa pagitan nina Chang Jung-Lin ng Chinese-Taipei at Shane Van Boening ng United States.

vuukle comment

CHANG JUNG-LIN

JAPANESE TORU KURIBAYASHI

LAS VEGAS

MATCHROOM SPORTS

NORTH EDSA

ORCOLLO

PARTY POKER WORLD POOL MASTERS

QUEZON CITY

SHANE VAN BOENING

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with