^

PSN Palaro

Baby Saints tinalo ng Hawklets para sa 8-0 sweep

-

MANILA, Philippines - Pinalawig ng University of Manila ang kanilang winning streak sa walong dikit matapos pabagsakin ang host school St. Clare College, 101-80 at walisin ang first-round ng 11th NAASCU junior basketball tournament sa UM gym.

Sumandig ang Hawklets sa troika nina John Lenyer Santos, Yves Mave­rick Nicholas at Rodolfo Marticio upang ihatid ang Sampaloc-based dribblers sa panalo sa nine-team tournament na inorganisa ni NAASCU president Dr. Ernesto ‘Jay’ Adalem.

Bumandera si Santos sa kanyang inilistang 25 puntos, nagdagdag naman sina Nicholas at Marticio ng 24 at 22 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa Hawklets na naligtasan ang matinding hamong ini­labas ng Baby Saints sa panimula ng final canto bago kumawala tungo sa kanilang panalo.

Nanguna naman sa Baby Saints si Jezer Calma na tumapos ng 25 puntos sa kabila ng pagdausdos ng Caloocan-based cagers sa 5-3 win-loss slate.

Sa iba pang laro, tinalo ng defending champion Our Lady of Fatima University ang Informatics Internatio­nal Coleges,120-69 at gi­napi ng AMA Computer University ang mahigpit na karibal na STI Colleges, 86-80.

Ang panalo ay naghatid sa Baby Pheonix sa 5-3 win-loss slate kung saan nagpakitang gilas si Jefferson Arceo na tumapos ng game-high 32 puntos.

BABY PHEONIX

BABY SAINTS

COMPUTER UNIVERSITY

DR. ERNESTO

HAWKLETS

INFORMATICS INTERNATIO

JEFFERSON ARCEO

JEZER CALMA

JOHN LENYER SANTOS

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with