^

PSN Palaro

Semis nakataya sa banggaang Lady Stags, Lady Troopers

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Pag-aagawan ng Lady Stags at Lady Troopers ang unang semifinals ticket, ha­­bang palalakasin naman ng Lady Eagles at Lady Sailors ang kanilang tsansa.

Magtatapat ang San Se­bastian College at ang Philippine Army ngayong alas-4 ng hapon matapos ang laro ng Ateneo De Manila University at Philippine Navy sa alas-2 sa quarterfinal round ng Shakey’s V-League Open Conference sa The Arena sa San Juan.

Parehong nagbabande­ra ng matayog na 3-0 baraha ang Lady Stags at ang Lady Troopers kasu­nod ang Lady Eagles (1-2), Lady Sailors (1-2), Airwo­men ng Philippine Air Force (1-2) at Maynilad Water Dragons (0-3).

Ang San Sebastian ang tanging tumalo sa Army sa pagtatapos ng elimination round via five-setter noong Agosto 18.

Ang Lady Stags ay ki­lala sa kanilang matinding opensa sa likod ni American import Lauren Ford, ang leading scorer at spiker ng torneo.

Si Ford ay may average na 21 hits at 48.88 percent success sa spikes bawat laro para sa Recoletos-ba­sed tossers.

Bukod kay Ford, muling aasahan ng San Sebastian sina Thai Jang Baulee, Joy Benito, Rubie de Leon, Jill Gustilo at Dafna Robiños.

Muli namang ibabandera ng Army ang mag-utol na sina Michelle at Marietta Carolino kasama sina Joanne Buñag, Dahlia Cruz at Rachel Ann Daquis.

ANG LADY STAGS

ANG SAN SEBASTIAN

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

DAFNA ROBI

LADY

LADY EAGLES

LADY SAILORS

LADY STAGS

LADY TROOPERS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with