^

PSN Palaro

Bagong World Record puntirya sa Run for Pasig River

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Ipagpapatuloy ng Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig (KB­PIP) ang naunang ad­hikain na ibalik ang da­ting sigla ng nasabing ilog sa pagsasagawa ng 2011 Run for Pasig River sa Nobyembre 20.

Pormal na inilunsad ang taunang patakbo kahapon sa Midas Hotel sa Roxas Boulevard at nanguna rito si ABS-CBN Foundation Inc. managing director at kasalukuyan ding chairper­son ng Pasig River Reha­bilitation Commission (PRRC) Gina Lopez na kung saan inihayag niya ang hangaring makaeng­ganyo ng 150,000 runners at makalikom ng P20 milyon na gagamitin para linisin naman ang Estero de San Miguel.

“Noong nakaraang taon ay nalagay ang Pasig River run sa Guinness Book bi­lang pinakamala­king eco footrace sa luma­hok na 116,086 mananak­bo. Ngayon taon ay na­is kong makakuha ng 150,000 runners o kahit na 117,000 basta matiyak na mabubura natin ang dating record,” wika ni Lopez.

Ipinangako rin niyang gagawin ang patakbo taun-taon kasabay ng pagtitiyak na may mga makikitang pagbabago sa kasaluku­yang antas ng Pasig Ri­ver.

Pumalo sa P12 mil­yon ang kinita ng patakbo noong 2010 at ginamit ito para buhayin ang ngayon ay gumanda ng Estero de Paco.

Tulad sa nakaraan, ang mga puwedeng salihan ay sa 3k, 5k at 10k habang pili lamang ang isasama sa ceremonial 21k run.

Walang premyong ma­kukuha sa karerang ito pero mahihigitan ito ng katotohanang ang mga mag­sisilahok na magbaba­yad ng registration fee ay makakatulong naman sa pagbuhay sa Ilog Pasig.

Taliwas sa mga nakaraang patakbo, gagamit din sa taong ito ng timing chips upang mas magkaroon ng tamang bilang sa hanay ng mga tumapos sa karera.

ESTERO

FOUNDATION INC

GINA LOPEZ

GUINNESS BOOK

ILOG PASIG

KAPIT BISIG PARA

MIDAS HOTEL

PASIG RI

PASIG RIVER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with