^

PSN Palaro

Lady Stags kumuha ng playoff

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Sinikwat ng San Sebastian College ang playoff para sa isang semifinals berth, habang binuhay naman ng Philippine Air Force ang kanilang pag-asa.

Binigo ng San Sebastian ang Ateneo De Manila University, 25-22, 25-16, 24-26, 27-29, 15-9, sa quarterfinal round ng Shakey’s V-League Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan.

Bumandera si American import Lauren Ford para sa Lady Stags mula sa kanyang 32 hits.

May 3-0 rekord ngayon ang San Sebastian kagaya ng Philippine Army, nakahugot na rin ng playoff para sa isang semis seat, kasunod ang Ateneo (1-2), Air Force (1-2), Navy (1-2) at Maynilad (0-3).

Limang Lady Stags ang naglista ng pinagsamang 60 points, samantalang nakahugot ang Lady Eagles ng 28 hits kay Alyssa Valdez at 18 kills kay Fille Cainglet.

Sa unang laro, binuhay naman ng Air Force ang kanilang tsansa sa semifinals nang talunin ang Maynilad, 25-17, 25-17, 26-24.

Ang timeout ni Airwo­men coach Ariel dela Cruz ang nagpalamig sa mainit na pagbangon ng Water Dragons para kunin ang third set.

AIR FORCE

ALYSSA VALDEZ

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

FILLE CAINGLET

LADY EAGLES

LADY STAGS

LAUREN FORD

LIMANG LADY STAGS

MAYNILAD

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with