Handy Fix Super League sa Sept. 4 na

MANILA, Philippines - May 72 koponan ang magtatagisan para sa 1st Handy Fix Super League National Barangay Championships na magbubukas na sa Setyembre 4.

Tig-24 koponan na hinati sa tig-apat na siyudad sa rehiyon sa bansa ang maglalaban-laban sa isang two-group single round elimination at ang mangungu­nang koponan bawat bracket ay magtatagisan upang madetermina kung sino ang magi­ging kinatawan sa nasabing siyudad sa regional finals sa Nobyembre 5 at 6.

Ang lalabas na kampeon sa apat na siyudad ay uusad naman sa National finals sa Cebu City sa Nob­yembre 12 at 13.

“Our primary objecti­ves for this event is to crea­te an opportunity for ba­rangay athletes to compete in a na­tional level tournament,” wika ni Derrick Tan, GM ng Magna Prime Distribution Corp., na siyan gumagawa ng Handy Fix Adhesive Sealant.

Ang mga lugar na pag­­darausan ng unang yugto ay Parañaque, Pasay, Taguig at Manila sa Luzon; Lapu-Lapu, Mandaue, Tali­say at Cebu sa Visayas at Tagum, Digos, Panabo at Davao sa Mindanao.

Show comments