^

PSN Palaro

Warizal, Dela Rosa sa Puerto Princesa leg

-

PUERTO Princesa, Palawan, Philippines - Namayani sina Norlan Warizal at Jila Dela Rosa sa Puerto Princesa City elimination leg ng 35th National Milo Marathon na nilahukan ng 4,864 runners dito.

Iniwanan ni Norlan Warizal si back-to-back Puerto Princesa regional race champ Ruben Samuya sa hu­ling kilometro para pamahalaan ang men’s division sa kanyang tiyempong 1:14:22.

Si Warizal ay naging 28th placer sa nakaraang National Milo Marathon Finals.

Sumegunda naman sa kanya sa Puerto Princesa leg si Samuya, 8th-placer sa 2010 Milo Marathon, na naglista ng 1:16:33.

Ginulat naman ni De la Rosa ang mga betarano nang pagreynahan ang women’s class sa kanyang oras na 1:36:53.

Naging basehan lamang ni Dela Rosa sa pagtakbo ang mga pinanood niyang Youtube training vid­eos ni Olympian at long-distance runner Ryan Hall.

“Last year, ang alam ko lang training ay tumakbo sa long distances. Pero nga­yon gusto kong sumubok ng iba kaya pinanood ko ang mga Youtube videos ng idol kong si Ryan Hall, ani Warizal.

Ito ang unang half ma­rathon race na sinaligan ng Puerto Princesa native na si Dela Rosa. Si Dela Rosa ay nagsa­sanay ng track and field sa UST.

DELA ROSA

JILA DELA ROSA

MILO MARATHON

NATIONAL MILO MARATHON

NATIONAL MILO MARATHON FINALS

NORLAN WARIZAL

PUERTO PRINCESA

PUERTO PRINCESA CITY

RUBEN SAMUYA

RYAN HALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with