^

PSN Palaro

Oliva isinama sa biktima ni Solis

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Bunga na rin ng halos apat na linggo lamang na pagsasanay, nabigo si Filipino challenger Jether Oliva na agawan ng world light flyweight crown si Mexican Ulises ‘Archie’ Solis sa kanilang laban kahapon sa Guadalajara, Mexico.

Tinalo ng 29-anyos na si Solis ang 24-anyos na si Oliva via unanimous de­­cision mula sa kanyang nakolektang 120-108, 118-110 at 119-109 puntos sa tatlong judges.

Napanatili ni Solis ang kanyang paghawak sa International Boxing Fe­deration (IBF) light flyweight crown matapos talunin si Oliva, nakamit ang World Boxing Organization (WBO) Oriental minimum weight title mula sa isang unanimous 12 round decision kay Fernando Ocon noong Mayo 13.

May 34-2-3 win-loss-draw ring record ngayon si Solis kasama ang 21 KOs kumpara sa 17-1-1 (11 KOs) slate ni Oliva.

Dinomina ni Solis, na­una nang inagawan ni Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria, ang bagong WBO flyweight champion, ng IBF light flyweight title via 11th-round TKO noong Abril 19, 2009 sa Araneta Coliseum, ang kanilang sultada ni Oliva mula first hanggang 12th round.

Ginamit ni Solis ang kanyang malawak na eks-peryensa upang pagkaitan ng round si Oliva, No. 12 sa listahan ng IBF at WBA at No. 7 sa WBO.

Sa second round lamang nayanig ni Oliva si Solis, binigo si Luis Alberto Zarate ng Argentina sa ka­nilang rematch via split decision noong Abril 30, 2011 upang muling mapasa­kamay ang kanyang IBF light flyweight title.

Ngunit matapos ito ay wala nang nagawa si Oliva.

vuukle comment

ABRIL

ARANETA COLISEUM

FERNANDO OCON

HAWAIIAN PUNCH

INTERNATIONAL BOXING FE

JETHER OLIVA

LUIS ALBERTO ZARATE

MEXICAN ULISES

OLIVA

SOLIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with