^

PSN Palaro

FEU lusot sa NU sa 2 ot; ADU wagi rin

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Pumukpok ang Adamson sa second half habang nakitaan naman ng tibay ang FEU upang manatili ang dalawang koponan sa pagkakahawak sa ikalawa at ikatlong puwesto sa 74th UAAP men’s basketball ka­hapon sa Araneta Coliseum.

Gumawa ng 16 puntos si Janus Lozada, kasama ang isang sablay lamang sa apat na buslo sa 3-point line upang tulungan ang Falcons sa 64-51 panalo sa UP.

Nagpakawala siya ng isang tres habang si Lester Alvarez ay mayroon ding sariling 3-pointer para pagningasin ng Falcons ang 16-5 bomba upang makalayo na sa 10 puntos, 45-35, papasok sa huling yugto.

Dumaan naman uli sa butas ng karayom ang FEU bago naitakas ang mas mahirap na double overtime panalo laban sa National University, 84-82, para mapanatili ang sarili sa ikatlong puwesto sa 7-4 baraha.

Gumawa si Aldrech Ramos ng 19 puntos habang sina Terrence Romeo at RR Garcia ay nagsanib sa mahalagang run sa ikalawang overtime para makumpleto ang 2-0 sweep sa Bulldogs.

Nagpakawala ng tres si Garcia bago nasundan ng isang layup sa steal ni Romeo. Isa pang agaw ni Romeo na nagresulta sa kanyang sariling lay-up ang tumapos sa 7-0 bomba na nagbigay ng 83-79 kalamangan may 1:30 sa orasan.

Isang tip-in ang ginawa ni Emmanuel Mbe at nagkaroon pa ng pagkakataon ang NU na itabla ang laro nang malagay sa 15-foot line si Bobby Ray Parks Jr. may 21 segundo sa orasan.

Pero ang una lamang na buslo ang naipasok ni Parks at matapos ang tapikan ay lumabas ang bola at nagdeklara ang mga referees ng jumpball.

Napalakas ang tapik ni Mbe para mabalik sa Tamaraws ang bola at dahil 13.8 segundo na lamang ang nasa orasan ay nagbigay ng foul si Jeoffrey Javillonar kay Ramos.

 Isa lamang ang naipasok ni Ramos pero hindi nagawang agawin ng Bulldogs, na lumamang pa ng 18 puntos sa ikatlong yugto, ang panalo dahil nagsi­sab­lay sina Angelo Alolino at Joseph Terso bago tumunog ang final buzzer.  

ALDRECH RAMOS

ANGELO ALOLINO

ARANETA COLISEUM

BOBBY RAY PARKS

EMMANUEL MBE

GARCIA

GUMAWA

ISA

JANUS LOZADA

JEOFFREY JAVILLONAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with