^

PSN Palaro

AMA, UM at St. Clare wagi

-

MANILA, Philippines - Muling kinumpleto ng AMA Computer University ang kanilang double celebration matapos magwagi ang kanilang seniors at juniors team sa pagbabalik aksyon ng 11th NAASCU basketbal tournament sa UM gym sa Gastambide, Manila kahapon.

Hiniya ng Titans ang City University of Pasay, 115-80 para sa kanilang ikatlong panalo matapos ang limang laro, habang namayani naman ang Junior Titans sa Informatics International Colleges, 93-72 at ilista ang kanilang 3-2 win-loss slate.

Tumapos si Mac Avellana ng 18 puntos upang ihatid sa panalo ang Titans.

Samantala, hindi naman pinaporma ng five-time champion University of Manila ang bagitong Trace College makaraang ilampaso ito sa iskor na 92-65.

Sumandig ang Hawkletts sa mga balikat nina Rodolfo Marticio, John Leyner Santos at Gianne Paulo Rivera na kumana ng double digits upang banerahan ang koponan sa paglista ng limang sunod na panalo sa ligang ito na inor­ganisa ni NAASCU president Dr. Ernesto ‘Jay’ Adalem ng host school St. Clare College-Caloocan.

Sa isa pang laro, nagsanib ng puwersa sina Jessie Calma at Mark Callangan upang trangkuhan ang Baby Saints na iminamando ni coach Mark Herrera sa paglusot sa magiting na nakipaglabang Centro Escolar University, 67-66.

 Nakalubog mula sa isang puntos, 65-66, mahigit 10 minuto na lamang ang nalalabi sa laro, binigyang buhay ni Calma ang Saints ng maagaw niya ang bola at mabilis na ipinasa kay Callangan para sa game-winning basket.

Tumapos si Calma ng 22 puntos, habang nagposte naman si Callangan ng 13 puntos. 

BABY SAINTS

CALLANGAN

CALMA

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

CITY UNIVERSITY OF PASAY

COMPUTER UNIVERSITY

DR. ERNESTO

GIANNE PAULO RIVERA

INFORMATICS INTERNATIONAL COLLEGES

JESSIE CALMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with