^

PSN Palaro

Lady Stags, Troopers hahataw ng 2 dikit na panalo sa Shakey's V-League

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Kapwa tatargetin ng San Sebastian College at Philippine Army ang kani­lang ikalawang sunod na pa­nalo sa quarterfinal round ng Shakey’s V-League Open Conference sa The Arena sa San Juan.

Haharapin ng Lady Stags ang Lady Sailors ng Philippine Navy ngayong alas-4 ng hapon matapos ang salpukan ng Lady Troopers at Lady Eagles ng Ateneo De Manila Univer­sity sa alas-2.

May magkatulad na 1-0 rekord ang San Sebastian at Army sa quarterfinals kasunod ang Navy (1-1), Philippine Air Force (0-1), Maynilad (0-1) at Ateneo (0-0).

Muling ibabandera ng Lady Stags ang leading spiker ng liga na si American reinforcement Lauren Ford katuwang sina Thai import Jang Baulee, Joy Benito, Rubie de Leon, Janette Doria at Jill Gustilo.

Nagmula naman ang Lady Sailors sa isang 25-15, 25-23, 25-16 tagumpay laban sa Water Dragons noong Martes.

Sasandigan naman ng Navy sina Michelle Laborte, ang leading blocker ng liga, Nene Bautista, Suzanne Roces, Cecile Cruzada, Rose Prochina at Janet Serafica.

Sa inisyal na laro, tatangkain ng Lady Troopers na makadalawa sa Lady Eagles na kanilang binigo via four-setter sa kanilang unang pagkikita sa eliminasyon.

Galing ang Army sa  25-20, 25-20, 26-24 paggupo sa Navy noong Linggo bago ang kanilang salpukan ng Ateneo, first conference champions.

ATENEO

ATENEO DE MANILA UNIVER

CECILE CRUZADA

JANET SERAFICA

JANETTE DORIA

LADY

LADY EAGLES

LADY SAILORS

LADY STAGS

LADY TROOPERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with