^

PSN Palaro

Catiil, Jopson nagningning sa Cobra Ironman 70.3

-

MANILA, Philippines - Pinuri ni Cobra Energy Drink brand manager Jacinto Mendoza ang mga hini­rang bilang brand ambassadors na sina Nonoy Jopson at Neil Catiil sa kanilang ipinakita sa idinaos na Cobra Ironman 70.3 Philippines kamakailan sa Camari­nes Sur.

“We’re very proud of them. They are proof that true Filipino champions never give up,” wika ni Mendoza.

Si Jopson ang lumabas bilang top overall Filipino age-grouper na nakapasok sa 2011 Ford Ironman World Championships sa Kona, Hawaii sa Oktubre 8 matapos makapagsumite ng 4:41:10 oras sa 70.3 karera.

Tumapos naman si Catiil sa ikatlong puwesto sa pangkalahatan sa mga Filipino triathletes na lumahok sa kanyang 4:38:10 oras.

Nanguna si Catiil matapos ang swim leg pero minalas na dumanas ng pulikat na naka-apekto sa kanyang ipinakita sa bike at run leg. Nagkaganito man ay ipi­nakita nito ang kanyang puso nang natapos pa rin ang karera kahit hirap na hirap.

Pinakamabilis sa hanay ng mga Fili­pino participants ay si Fil-Am at dating pam­bato ng bansa sa Olympic distance triath­lon races Arland Macasieb sa kanyang 4:26:31 tiyempo habang pumangalawa ang dating national duathlon champion Augusto Benedicto sa 4:35:04 oras.

Si Pete Jacobs pa rin ang hinirang na kampeon sa ikalawang edisyon nang maorasan ng 3:51:43. Tinalo nito si Jesse Thomas (4:12:30) at Cameron Brown (4:12:54).

Kampeon naman sa kababaihan si Belinda Granger sa 4:24:23 habang ang dating pambato sa duathlon sa ka­babaihan na si Monica Torres ang pina­kamatulin sa Filipina Elite na sumali sa 4:55:15 para mapanatili sa ikatlong taon ang kanyang local title.

ARLAND MACASIEB

AUGUSTO BENEDICTO

BELINDA GRANGER

CAMERON BROWN

CATIIL

COBRA IRONMAN

FILIPINA ELITE

FORD IRONMAN WORLD CHAMPIONSHIPS

JACINTO MENDOZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with