^

PSN Palaro

Diretsong 10 pakay ng Stags vs Generals

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Ipagpapatuloy ngayon ng San Sebastian at San Beda ang paghahabol sa puwesto sa Final Four sa pagtataas ng tabing ng 87th NCAA men’s basketball second round elimination sa The Arena sa San Juan City.

Unang masasalang ang nagdedepensang San Beda sa ganap na alas11:45 ng umaga laban sa host University of Perpetual Help System Dalta habang ang Stags ay makikipagtuos sa Emilio Aguinaldo College dakong alas-4 ng hapon.

Ang pagsalang ng Stags at Lions ay mangyayari ma­tapos ang kla­sikong tagisan ng dalawa nitong Agosto 19 na kung saan tinalo ng tropa ni coach Topex Ro­binson ang bataan ni coach Frankie Lim, 70-68, upang makumpleto ang 9-0 sweep matapos ang bakbakan sa first round.

Masaya si Robinson na naisakatuparan nila ang una nilang misyon pero alam niyang mas mapapa­laban ang kanyang bataan lalo nga’t sa yugtong ito ma­lalaman kung sino ang mga koponang papasok sa Final Four.

“Wala pang dapat na i-celebrate dahil wala pa kaming naaabot,” wika ni Robinson.

Isa ang Generals na nag­pahirap sa Stags sa unang ikutan nang talunin lamang nila ito sa 77-70 iskor.

Kaya nais niyang ma­kita ang malakas na paglalaro pa rin sa kanyang mga bataan hindi lamang sa tatlong kamador na sina Calvin Abueva, Ian Sanga­lang at Ronald Pascual kundi pati ang ibang bench players.

Tiyak ding aatungal ng malakas ang Lions lalo nga’t nagwakas na rin ang kahanga-hangang 26-game winning run na kinatampukan ng 18-0 sweep noong nakaraang taon.

Naniniwala si coach Frankie Lim na mas gaganda ang ipakikitang laro ng kanyang bataan lalo nga’t wala na silang iniintindi na winning streak na dapat pangalagaan.

CALVIN ABUEVA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

FRANKIE LIM

IAN SANGA

RONALD PASCUAL

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with