^

PSN Palaro

3rd win sa Phoenix, Icons sa NAASCU

-

MANILA, Philippines - Kapwa umiskor ng impresibong panalo ang Our Lady of Fatima University at Informatics kontra sa kani-kanilang kalaban upang ma­natiling walang talo sa pagbabalik aksyon ng 11th NAASCU men’s basketball championship sa UM gym sa Gastambide, Manila.

Kumamada si Jaynard Rivera ng 19 puntos at nag-ambag naman sina Dexter Rosales at Juvir Nsoga ng tig-12 puntos para sa Fatima.

Tumapos naman sina Cedriz Ablaza at McLean Sabellina ng tig-11 puntos para sa Olympians na lumasap ng ikalawang sunod na kabiguan matapos manalo ng dalawang laro kontra sa UM at AMA Computer University.

Umasa ang Informatics sa likod ng performance ni Mark Montuano na gumawa ng 12 puntos upang talunin ang Los Baños-based Stallions.

Samantala, nagpaka­ta­tag naman ang defen­ding champion University of Manila sa endgame at igupo ang City University of Pasay, 102-72 at palakasin ang kanilang kampanya sa pagposte ng 3-1 kartada sa annual tournament na ito na inorganisa ni NAASCU president Dr. Ernesto ‘Jay’ Adalem ng host School St. Clare College-Caloocan.

Inilabas ni Eugene Torres ang pormang nagputong sa kanya ng MVP/ROY noong nakaraang taon matapos gumawa ng 19 puntos para sa Hawks.

 Sa iba pang laro, pi­nayuko ng Centro Escolar University ang Saints sa is­kor na 74-67 at pinigil ng AMACU ang New Era University, 75-71. Joy Miller Ong--trainee

CEDRIZ ABLAZA

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

CITY UNIVERSITY OF PASAY

COMPUTER UNIVERSITY

DEXTER ROSALES

DR. ERNESTO

EUGENE TORRES

JAYNARD RIVERA

JOY MILLER ONG

JUVIR NSOGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with