^

PSN Palaro

Marines makikipagbarilan sa Sniper shootfest

-

MANILA, Philippines - Maipapakita ng Philippine Marines Corps ang ba­ngis sa pagbaril sa ga­ganaping 2011 Sniper Shooting Competition na gagawin sa darating na Ling­go sa Taytay Tactical Rifle Range sa Rizal.

Ilan sa mga mahuhusay na marines ang sasalang sa demostration sa 1km target habang ang iba naman ay sasali bilang guest team sa aktuwal na kompe­tisyon.

Mangyayari ito sa Agosto 26 at 28 kapag isinalang na ang tagisan sa high-po­wered rifle (.223).

Ang apat na araw na torneo na unang palaro ng Philippine National Shoo­ting Association (PNSA) sa pangunguna ng bagong pangulong si Mikee Romero ay magsisimula sa Linggo sa pamamagitan ng small bore rifle (.22).

Nangyari ang paglahok ng marines dahil sa pagpayag ni Philippine Marines Commandant Major Ge­neral Rustico Guerrero.

“I’m thankful to Maj. General Guerrero for allo­wing his elite unit to de­mons­trate their skills and some of them taking part in our event. This is one step to attract more shooters,” wika ni Romero na CEO rin ng Harbour Centre.

Kilala ang husay ng ma­rines nang nagpapahiram pa sila ng shooters sa mga nilahukang international competitions.

Kasama sa mga kuminang sa hanay ng mga marines ay sina Bartolome Teyab at Julius Valdez dahil ang una ay isang 3-time SEA Games champion ha­bang dalawang beses naman nanalo sa nakaraang Southeast Asian Games ang huli.

BARTOLOME TEYAB

GENERAL GUERRERO

HARBOUR CENTRE

JULIUS VALDEZ

MIKEE ROMERO

PHILIPPINE MARINES COMMANDANT MAJOR GE

PHILIPPINE MARINES CORPS

PHILIPPINE NATIONAL SHOO

RUSTICO GUERRERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with