MANILA, Philippines - PILI, Camarines Sur - Nang mauwi ang usapan sa pagsakop ng pulitika sa isport, hindi naitago ni Sen. Pia Cayetano ang kanyang pagdaramdam.
“It just goes on and on and on,” wika ni Cayetano, narito sa probinsya para sa 3rd Cobra Ironman 70.3 Philippines.
Ikinunsiderang pioneer sa local triathlon scene, alam ni Cayetano ang nangyayari sa Philippine sports.
Hindi na niya kailangang kuwentuhan pa tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan ng Cobra Philippines dragon boat team.
Nagwqagi ang koponan ng 5 gold at 2 silver medals sa nakaraang IDBF World Championships sa Tampa, Florida, ngunit hindi mnakakuha ng inaasam na parangal mula sa Philippine Olympic Committee (POC).
“This issue with the dragon boat team is nothing new to me,” sabi ni Cayetano. “It has happened with other sports like cycling two years ago. And before that similarly basketball.”
Si Presidente Noynoy Aquino ang nakikita ni Cayetano na reresolba sa problema ng dragon boat team.
“I really feel the President has to intervene and say that he won't tolerate politics in sports," wika ni Cayetano.