^

PSN Palaro

Army Spikers lider na

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Habang nakamit ng Philippine Navy ang kani­lang ikalawang sunod na panalo, muli namang nasolo ng Philippine Army ang liderato para palakasin ang kanilang tsansa sa isang quarterfinals seat.

Giniba ng Army ang Per­petual Help, 28-26, 25-17, 25-22, sa Shakey’s V-League Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan.

Pinangunahan ni Joan­ne Buñag ang panalo ng Army spikers mula sa kanyang 15 hits, habang may tig-apat na blocks sa net sina Marietta Carolino at Mary Jean Balse.

Nagposte rin si Buñag ng 13 attacks at dalawang service points para sa 3-0 rekord ng Army kasunod ang San Sebastian College (3-1), Philippine Navy (2-1), Philippine Air Force (2-2), Ateneo De Manila University (2-3), Maynilad (1-1) at Perpetual (0-5).

Sa unang laro, sumandal ang Navy sa guest pla­yer na si Suzanne Roces para igupo ang Ateneo, 25-18, 25-23, 25-21.

Nagtala si Roces ng 7 hits, 3 blocks at 4 service points at nakipagtambal kay guest player Nerissa Bautista para sa ikalawang sunod na panalo ng Navy.

Naglista naman si Bautista, dating league Most Valuable Player, ng 15 hits, kasama rito ang 13 attacks, para sa Navy, habang nag­dagdag ng 11 at 10 hits sina Michelle Laborte at Cecile Cruzada, ayon sa pagkakasunod para sa ka­nilang 2-1 baraha.

Nalasap naman ng Lady Eagles, umangkin sa unang conference title, ang kanilang pangatlong sunod na kamalasan matapos buksan ang torneo na bitbit ang 2-0 marka.

Makaraang igupo ang Maynilad at Perpetual Help, nakatikim naman ang Katipunan-based spikers ng magkasunod na four-set losses sa Philippine Air Force at Lady Stags.

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

CECILE CRUZADA

LADY EAGLES

LADY STAGS

MARIETTA CAROLINO

MARY JEAN BALSE

MAYNILAD

MICHELLE LABORTE

PHILIPPINE AIR FORCE

PHILIPPINE NAVY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with