^

PSN Palaro

Lady Stags itataya ang liderato vs Dragons

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Ang patuloy na paghawak sa liderato ang asam ng Lady Stags, habang pi­pilitin naman ng Army spikers na muling mangi­ba­baw.

Haharapin ng San Sebastian College ang Maynilad ngayong alas-6 ng gabi matapos ang sukatan ng Philippine Army at Perpe­tual Help sa alas-4 ng hapon sa Shakey's V-League Open Conference sa The Arena sa San Juan.

Sa unang laro sa alas-2 maglalaban ang Ateneo De Manila University at ang Philippine Navy.

Tangan ng Lady Stags ang 3-1 rekord kasunod ang Army belles (2-0), Lady Eagles (2-2), Air Force spikers (2-2), Navy tossers (1-1), Maynilad Lady Dragons (1-1) at Lady Altas (0-4).

Ibabandera ng San Se­bastian sina American Lauren Ford, ang leading scorer ng torneo mula sa kanyang 18-hit average, Thai import Jang Baulee, Joy Benito, Rubie de Leon, Jill Gustilo, Janette Doria at libero Mary Jane Pepito.

Sina guest player Joy Cases at mainstays Nica Guliman, Mervic Mangui, Beverly Boto, Margarita Pepito, Ma. Josephine Cafrance at top setter Charisse Ancheta ang aasahan naman ng Maynilad.  

Sa ikalawang laro, pi­pi­litin naman ng Army na makuha ang kanilang pangatl;ong sunod na panalo kasabay ng muling pagtangan sa liderato sa pakikipagharap sa Perpetual.  

Mula sa pagbibida nina dating Most Valuable Pla­yers Mary Jean Balse at Michelle Carolino, iginupo ng Army spikers ang Navy at Air Force sa nasabing seven-team ng torneong inihahandog ng Shakey’s Pizza.

AIR FORCE

AMERICAN LAUREN FORD

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BEVERLY BOTO

JANETTE DORIA

JANG BAULEE

JILL GUSTILO

JOSEPHINE CAFRANCE

LADY STAGS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with