Hawks, Scorpions nanalasa sa NAASCU

MANILA, Philippines - Ibinuhos ng nagdede-pen­sang Univeristy of Manila ang kanilang pag­hihiganti mula sa natamong kabiguan sa mga ka­may ng STI College, makaraang pabagsakin ang host school St. Clare College-Caloocan, 76-85 sa pagpapatuloy ng 11th NAASCU men’s basketball tournament na idinaos sa STI gym sa Taguig City.

Sinandigan ni coach Jo­jo Castillo ang mga bali­kat nina rookie Fil-Am Andrew Rivera, Jeff Alvin Viernes at nakaraang taong MVP-ROY awardee na si Eugene Torres upang ibangon ang Hawks sa 1-1 win-loss slate sa ligang ito na inorga­nisa ni Dr. Jay Adalem.

Humakot si Rivera ng 18 puntos, habang nag­dagdag si Viernes ng 17 puntos.

Tumapos naman si Torres, umukit ngkasaysayan matapos isubi ang MVP at ROY award noong naka­raang taon, ng 13 puntos para sa Sampaloc-based cagers na dinomina ang laban mula sa simula hanggang sa matapos.

Binitbit ni Miguel Bena­videz ang laban ng Calo­ocan City-based Saints ni coach Mark Herrera.

Nauna rito, sinilat naman ng Centro Escolar University ang New Era University, 70-45.

Ito ang ikalawang su­nod na panalo ng Scor­pions kung saan nanalasa si Don Euligio. Bumagsak naman ang Hunters sa 1-1 kartada.

Show comments