^

PSN Palaro

Puwestuhan sa UAAP ngayon

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Madedetermina nga­yon ang puwestuhan ng mga koponan sa pagsipat sa double header game na hudyat ng pagtatapos ng first round elimination sa 74th UAAP men’s basketball sa Araneta Coliseum.

Unang magtatagisan ang UP at Adamson sa ala-1 ng hapon bago magbakbakan ang UST at La Salle dakong alas-3 ng hapon at lahat ng mga koponang nabanggit ay tiyak na gagawin ang lahat ng makakaya para manalo at magkaroon din ng winning momentum papasok sa second round.

Ang Falcons ay nagba­balak ding lumapit sa Ateneo na siyang number one team matapos walisin ang kanilang pitong laro.

May 4-2 karta ang Falcons at kahit matalo sila sa Maroons makakasalo nila ang pahingang FEU sa 4-3 baraha, pero sila pa rin ang hihiranging number two team dahil sa 78-59 panalo.

Pero hindi ganito ang tingin ni coach Leo Austria dahil nais niyang mapana­tili ng kanyang bataan ang matikas na porma lalo nga’t palaban sila sa twice to beat incentives.

“A loss in this game will be very demoralizing to us. Hindi mo puwedeng biruin ang UP at naranasan ko na na kapag nasa ilalim ka ng standings, wala kang gustong gawin kung hindi ang talunin ang team na nasa top four,’ wika ni Austria.

Balikatan naman ang laro sa pagitan ng Tigers at Archers na kung saan ang mananalo ang siyang ookupa sa ikaapat na puwesto.

Magkasalo ang UST at La Salle sa 3-3 karta pero ang bataan ni coach Alfredo Jarencio ay mangga­galing sa 68-48 panalo sa UP sa huling laro.

ADAMSON

ALFREDO JARENCIO

ANG FALCONS

ARANETA COLISEUM

ATENEO

BALIKATAN

LA SALLE

LEO AUSTRIA

MADEDETERMINA

MAGKASALO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with