6 gold sa GTK Army sa 26th SEA Games
MANILA, Philippines - Hindi bababa sa anim na ginto ang ibibigay ng track and field team sa 26th South East Asian Games sa Indonesia.
Sa pagdalo ng pangulo ng PATAFA na si Go Teng Kok sa PSA Forum sa Shakey’s UN Avenue kahapon sinabi niyang anim sa pitong gold medalist ng Laos SEA Games noong 2009 ang siya niyang sinasandalan para pangunahan ang koponang ipadadala sa Indonesia.
Ang mga gold medalist sa 2009 SEAG na magdodomina uli ay sina Marestella Torres (long jump), Rosie Villarito (javelin throw), Arniel Ferrera (hammer throw), Rene Herrera (3000m steeplechase), Danilo Fresnido (javelin throw) at Eduardo Buenavista (marathon).
Si Jho-An Banayag na nanalo sa women’s marathon ay dadaan sa butas ng karayom ani Go, dahil sa pagkakaroon ng Super woman ang Indonesia na malakas sa 5000m, 10000m at marathon events.
Si Sunang na nanalo ng bronze medal sa 2007 Thailand SEAG sa paboritong shotput ay sinasabing palaban din sa ginto matapos gumawa ng 16.56m Philippine record nang kunin ang ginto sa Vietnam.
Ang 20-anyos na si Espinosa ay nanalo naman ng pilak sa long jump sa Vietnam nang makalundag ng 7.42m upang sundan si Henry Dagmil habang bronze ang nakuha ni Cid sa 400m hurdles.
- Latest
- Trending