Fatima, St. Claire tumipa ng panalo

MANILA, Philippines - Binigo ng nagdedepensang Our Lady of Fatima Uni­versity ang New Era University, 108-53, para sa kanilang ikalawang sunod na panalo, habang iginupo ng St. Clare College-Caloocan ang bagitong Trace College, 90-69, sa 11th NAASCU juniors basketball tournament sa UM gym sa Gastambide, Manila.

Sumandal ang Baby Phoenix kina Bernabe Teodoro, Terrence Matigas.Jordan Gaddy at Jerome Juanico para talunin ang Junior Hunters.

Tumipa sina Teodoro at Matigas ng tig-12 points kasunod ang tig-11 nina Gaddy at Juanico para sa Antipolo City- based squad.

Sinandigan naman ng Junior Saints nina coach Mark Herrera at team manager Dr. Ernesto Jay Adalem sina Reynaldo Demesa, Norman Mendoza at Allan Libunao upang payukurin ang Baby Stallions.

May 20 points si Demesa kaunod ang 18 ni Mercado at 17 ni Libunao para sa St. Clare.

Tinalo naman ng Centro Escolar University ang STI Colleges, 75-66, sa isa pang laro.

Show comments