^

PSN Palaro

5th gold sinagwan ng RP paddlers

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Matapos ang Philippine Azkals, ang Water Dragons naman ng Cobra-Philippine Dragon Boat Federation ang gumagawa ng ingay.

Humakot ang Dragon Warriors ng limang gold at dalawang silver medals sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa 10th International Dragon Boat Federation World Championships Tampa Bay, Florida.

Tinubog ng koponan ang kanilang pang lima at huling gintong medalya sa Premier Open 500-meter race sa small boat division.

Nagtala ng bilis na 2:38.479 ang Dragon Warriors sa Heat 1 para umabante sa grand finals, habang ang ibang foreign squads ay dumaan pa sa semifinal races.

Sa grand finals, naglista ang tropa ng mas mabilis na 2:23.535 para ungusan ang Australia (2:29.299), Japan (2:36.365) at Italy (2:38.384) sa naturang world meet.

Unang inangkin ng Dragon Warriors ang gold medal sa men’s 1,000m noong Huwebes bago isinunod ang premier mixed 200m at premier men’s 200m events noong Biyernes.

Dinomina rin ng grupo ang small boat 500-meter premier mixed finals noong Sabado para sa kanilang ikaapat na gintong medal­ya.

Ang kanilang mga silver medals ay nagmula sa pre­mier all-comers mixed 200m at premier all-comers Open 200m.

Lumahok ang mga Fi­lipinos paddlers sa small boat division, ang bagong kategorya na may 10 atleta at isang tambolero at timon. Ang tradisyunal na stan­dard play ay mayroong 24 miyembro, isang tambole­ro at isang timon.

Ang Dragon Warriors ang naghari sa 200m event sa 2007 World Championships sa Sydney, Australia at naidepensa ito noong 2009 sa Prague, Czech Republic.

Hindi sila pinayagan ng Philippine Olympic Committee (POC) na sumali sa 2010 Asian Games.

ASIAN GAMES

BIYERNES

CZECH REPUBLIC

DRAGON BOAT FEDERATION

DRAGON BOAT FEDERATION WORLD CHAMPIONSHIPS TAMPA BAY

DRAGON WARRIORS

PHILIPPINE AZKALS

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PREMIER OPEN

WORLD CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with