^

PSN Palaro

Falcons wagi, Warriors nakaisa rin

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Naghatid ng dalawang matitinding tres si Janus Lozada sa huling yugto upang balewalain ng Adam­son ang paghahabol ng La Salle tungo sa 66-58 panalo sa 74th UAAP men’s basketball kahapon sa Araneta Coliseum.

May 14 puntos nga sa laro si Lozada at ang kanyang ikalawang 3-pointer sa huling 10 minuto ng la­banan ang nagsilbing pa­matay-sunod sa rally ng Archers na nakadikit hanggang 61-58 matapos unang naiwanan ng 16 puntos sa unang bahagi ng first period.

 May 18 puntos si Lester Alvarez habang 12 pa ang ibinigay ni Alex Nuyles para tulungan ang starters ng Falcons na ma-outplay ang katapat, 47-17, upang makasalo na ang Adamson sa ikalawang puwesto kasama ang pahingang FEU sa 4-2 baraha.

Nalaglag sa 3-3 karta ang Archers na pinangu­nahan ng mga off the bench players na sina Norberto Torres at Yutien Andrada sa kanilang 14 at 11 puntos.

 Tinapos naman ng UE ang anim na sunod na kabiguan nang manalo sa mas pinaborang National University, 72-71, sa unang laro.

Ibinuhos ni Adrian Santos ang kanyang apat na puntos sa laro para katampukan ang 14-3 end game run ng Warriors upang ma­kuha ang isang puntos kalamangan mula sa 58-68 paghahabol.

ADAMSON

ADRIAN SANTOS

ALEX NUYLES

ARANETA COLISEUM

JANUS LOZADA

LA SALLE

LESTER ALVAREZ

NATIONAL UNIVERSITY

NORBERTO TORRES

YUTIEN ANDRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with