4 gold target ng Pinoy cue artists sa 26th SEAG
MANILA, Philippines - Apat na ginto ang target na kunin ng Pambansang bilyarista sa 26th South East Asian Games sa Indonesia sa Nobyembre.
Nanalo ng tatlong ginto ang Pilipinas sa 2009 Laos SEAG at hindi naman imposible na makuha ang target ng Billiards and Snooker Congress of the Philippines (BSCP) dahil sa kalidad ng manlalaro na kanilang ipaparada sa kompetisyon.
Sina Francisco Bustamante at Jundel Mazon ang kakampanya sa men’s 9-ball; sina Warren Kiamco at Jeff De Luna ang lalaro sa 8-ball, habang si Rubilen Amit at Iris Ranola ang babandera sa women’s 8-ball at 9-ball.
May 15 manlalaro ang nais na ipadala ng BSCP pero hindi pa tiyak kung masasama ang mga pambato sa English billiards, carom at snooker teams ng POC at PSC.
Nakuha ng mga pool players na nabanggit ang karapatang katawanin ang bansa matapos mangibabaw sa apat na buwang elimination na nilahukan din ng ibang pinagpipitaganang bilyarista sa pangunguna ni Efren “Bata” Reyes.
- Latest
- Trending