^

PSN Palaro

3 peat kay Alcala sa PBaRS tourney

-

MANILA, Philippines - Inangkin ni Markie Alcala ang boys’ Under-15 singles division ng P1 million MVP Sports Foundation-Bingo Bonanza Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) tournament para sa ikatlong sunod na pagkakataon sa Wheels ‘N More courts sa Davao City noong Miyerkules.

Bumangon ang 13-an­yos na si Alcala, kapatid ni RP No. 1 women player Mal­vinne, sa kanyang se­cond set setback patu­ngo sa kanyang 21-16, 20-22, 21-14 panalo laban kay Alvin Morada, kanya ring tinalo sa finals sa unang dalawang legs ng four-stage nationwide circuit sa Manila at Bacolod.

Ang Allied/Victor mainstay ay natalo naman sa U-19 category 20-22, 21-10, 21-11 sa third seed na si Jason Oba-ob sa second round.

Natanggap ni Alcala sa kanyang paghahari sa U-15 class ang P10,000 at nakalinya sina Antonino Gadi at Bianca Carlos bilang mga three-peat winners sa circuit na inorganisa nina Philippine Badminton Association head at Vice President Jejomar Binay, Rep. Albee Benitez at bu­sinessman-sportsman Manny V. Pangilinan.

Iginupo ni Gadi si Paul Vivas para sa ikalawang sunod na pagkakataon, 19-21, 21-12, 21-14, sa men’s Open finals, habang binigo ni Carlos si Janelle de Vera, 21-16, 21-15, sa girls’ U-19 division.

Si Gelita Castilo ang tinanghal na winningest player sa five-day event mula sa kanyang tatlong tagumpay sa women’s Open singles at doubles sa U-19 at Open classes katuwang ang kanyang regular partner na si Dia Magno.

ALBEE BENITEZ

ALCALA

ALVIN MORADA

ANG ALLIED

ANTONINO GADI

BIANCA CARLOS

DAVAO CITY

DIA MAGNO

JASON OBA

MANNY V

MARKIE ALCALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with