^

PSN Palaro

Army sinilat ang Navy

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Pinawi ng Philippine Army ang kabiguang tinamo sa first set nang manalo pa sa Philippine Navy, 23-25, 25-21, 25-22, 25-23, sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 8 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 23 hits, 2 blocks at isang service ace si Michelle Carolino upang tulungan ang Army na makapagdo­mina sa Navy sa larong tu­magal ng halos dalawang oras.

Liyamado ang Army sa kalaban dahil lagi silang nananalo pero nahirapan ang koponan ngayon dala ng mahinang reception.

“Lagi kaming angat sa kanila at plus five kapag kalaro ang Navy,” ani Army coach Rico de Guzman.

Nalimita ng Army ang Navy, 73-53, upang makasabay ang koponan sa na­ngu­ngunang Ateneo at San Sebastian taglay ang 1-0 karta sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

May 20 hits si Joanne Bunag para suportahan si Carolino habang si Mary Jean Balse ay tumapos taglay ang 10 spikes at 3 blocks.

Tumapos naman ng 20 puntos at apat na blocks si Suzanne Roces habang sina Nene Bautista at Michelle Laborte ay naghatid pa ng 16 at 15 para sa na­talong koponan.

 Suportado rin ng Accel, Mikasa at Maynilad Water, ang larong ito ay mapapanood ngayong ika-2 ng hapon sa NBN-4 at sa mga international channel GMA Pinoy TV, GMA Life TV at GMA News TV.

JOANNE BUNAG

MARY JEAN BALSE

MAYNILAD WATER

MICHELLE CAROLINO

MICHELLE LABORTE

NENE BAUTISTA

OPEN CONFERENCE

PHILIPPINE ARMY

PHILIPPINE NAVY

SAN JUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with