^

PSN Palaro

7-foot-2 na si Haddadi maglalaro para sa Iran sa R.W. Jones Cup

- Ni JVillar -

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng tsansa ang Smart Gilas Pilipinas na makita kung anong lakas mayroon ang 7-foot-2 na si Hamed Haddadi ng Memphis Grizzlies sa inaasa­hang paglalaro nito para sa Iran sa R. William Jones Cup na nakatakda sa Agos­to 6-14 sa Chinese Taipei.

"Yes he is playing in the Jones Cup, we'll have a chance to play against him," wika ni Smart Gilas coach Rajko Toroman kay Haddadi.

Makakatapat ng Natio­nals si Haddadi at ang Iran, ang two-time Asian cham­pions, sa nasabing nine-day tour­nament.

Matapos ang Jones Cup ay sasabak naman ang Smart Gilas ni Toroman sa FIBA-Asia Men’s Cham­pionship sa Setyembre 15-25 sa Wuhan, China.

Unang makakatapat ng Smart Gilas ang Asian powerhouse na Jordan sa Agosto 6 kasunod ang United Arab Emirates sa Agosto 7 sa single-round robin format.

Sa Agosto 9 makakalaban ng Smart Gilas ang South Korea, ang South Africa sa Agosto 10, ang Japan sa Agosto 11, ang Malaysia sa Agosto 12, ang host Chinese-Taipei sa Agosto 13 at ang Iran sa Agosto 14.

Sa pagkakaroon ng NBA lockout, maaari ring mag­laro si Haddadi para sa Iran sa FIBA-Asia sa uhan na siyang qualifying event patungo sa 2012 Olympic Games sa London.

"He will play there too," sam­bit ni Toroman kay Haddadi.

Samantala, hindi naman makikita si Fadi El Kha­tib para sa Lebanon sa FIBA-Asia Championship matapos magretiro sa na­tional team.

Maglalaro ang mga Le­ba­nese sa Wuhan matapos magkampeon sa 3rd FIBA-Asia Stankovic Cup noong na­karaang taon.

Ipaparada ng Smart Gi­las sina 6’11 naturalized Marcus Douthit, Asi Taulava ng Meralco at Dondon Hontiveros ng Air21 kasama sina team captain Chris Tiu, Mark Barroca, JV Casio, Japeth Aguilar, Marcio Lassiter, Chris Lutz, Mac Baracael, Dylan Ababou at Jason Ballesteros.

AGOSTO

ASI TAULAVA

ASIA CHAMPIONSHIP

ASIA MEN

ASIA STANKOVIC CUP

CHINESE TAIPEI

HADDADI

JONES CUP

SHY

SMART GILAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with