Mas matinding aksyon sa 7th leg ng National Motocross Series sa Cavite
MANILA, Philippines - Mas magiging mabigat ang prestihiyosong motocross sa pagsali ng ilang artista at pulitiko sa 7th Leg ng 2011 Enersel Forte Philippine National Motocross Series sa Agosto 6 at 7 sa Molino 3, Cavite City.
Inaasahang dadalo si Cavite Gov. Gilbert Remulla sa motocross event na sasabayan din ng 8th Leg ng CEO JYL Motocross Invitational Cup para sa pagdiriwang ng ika-43 kaarawan ng CEO ng SEL-J Sports na si Jay Y. Lacnit.
Si Asian Rider of the Year na si Glenn Aguilar ang babandera sa Pro Open category kung saan siya nagwagi tungo sa ikaanim na leg ng motocross series sa Brooke’s Point, Palawan.
Muntik nang masungkit ni Bornok Mangosong ang titulo kay Aguilar ngunit natapos lamang na pang-apat, kasunod nina Kimboy Pineda at Ambo Yapparcon. Ang Golden Wheel awardee na si Donark Yuzon ay pang-anim.
Dinomina ng pangulo ng SEL-J Sports na si Jay Lacnit ang kategoryang Executive C habang ang trainer ni Manny Pacquiao na si Buboy Fernandez ay sumunod sa kanya.
Sa kategoryang Executive B, ikatlo si Fernandez at ikalima si Lacnit.
Ang ikapitong yugto ng serye ay mapapanood sa programa ng SEL-J Sports sa telebisyon sa Studio 23.
- Latest
- Trending