Pacquiao suportado ang Azkals, manonood ng laban

MANILA, Philippines - Kung hindi magiging abala sa kanyang trabaho, maaaring makita si Manny Pacquiao na nanonood sa laban ng Philippine Azkals at Al-Azraq ng Kuwait sa second leg sa second round ng 2014 FIFA World Cup Asian Qualifiers sa Rizal Memorial Football Stadium.

Sa kanyang Twitter account, ibinunyag kahapon ni Azkals’ Nate Burkey ang panonood sa kanilang laro ni Pacquiao.

“Word is boss man Manny Pacquiao will be watching us tomorrow. Even more motivation!,” sabi ni Burkey sa kanyang Twitter account tungkol sa posibleng pagbisita ng Filipino world boxing superstar sa kanilang laro ng Al-Azraq.

Nagkaroon ng magandang relasyon ang Azkals at si Pacquiao nang minsang bisitahin ng koponan ang paghahanda ng Sarangani Congressman sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California no­ong Abril.

Sa naturang okasyon, pinaghahandaan ni Pacquiao ang kanilang laban ni Sugar Shane Mosley.

Ibinase rin ng Azkals ang kanilang ginawang pre­parasyon laban sa Sri Lanka Brave Reds sa first round ang training regimen ng Filipino world eight-division champion.

Matapos ang 1-1 draw sa first leg sa Colombo, Sri Lanka, inilampaso ng Azkals ang Brave Reds, 4-0, sa second leg noong Hunyo 29 sa Rizal Memorial Football Stadium upang umabante sa second round kontra Al-Azraq.

Show comments