MANILA, Philippines - Bunga ng kanilang 0-3 pagkatalo sa first leg noong nakaraang Sabado ng gabi, kailangang magtala ang Philippine Azkals ng 5-1 panalo kontra Al-Azraq ng Kuwait sa second leg para sa second round ng 2014 World Cup Asian Qualifiers.
Nakatakda ang laro bukas ng alas-7 ng gabi sa Rizal Memorial Football Stadium sa Vito Cruz, Manila.
“If it's 3-0 nill on Thursday then we go on extra time. Extension ng 30 minutes between per half and then after 30 minutes na ganoon pa rin ang score, 3-0 lamang tayo, on aggregate magta-tie sa 3-all so we go on penalty shootout,” paliwanag ni team manager Dan Palami.
Kung magtatapos ang naturang laro sa 3-1 o 4-1 ay lalabas pa ring talo ang Azkals at aabante na sa third round ng 2014 World Cup Asian Qualifiers ang Al-Azraq.
“Kapag nag-5-1 panalo naman tayo. Pero ang unang titingnan natin is the total score of the two games. Iyong next na titingnan ay kung naka-score ba sila sa atin. Kung nag-tie ay titingnan kung naka-score sila sa atin. Kung naka-score sila sa atin panalo sila kahit na nag-tie tayo sa aggregate,” ani Palami.
Tinalo ng Al-Azraq ang Azkals, 3-0, sa first leg noong Sabado ng gabi kung saan bumigay ang depensa ng Azkals sa second half na siyang sinamantala ng mga Kuwaitis patungo sa kanilang tagumpay.
Inaasahan nang makikita sa aksyon bukas sina team captain Aly Borromeo at midfielder Stephan Schrock na nasuspinde mula sa nalasap na yellow cards sa 5-1 pananaig ng Azkals sa Brave Reds ng Sri Lanka sa first round.
Sa Rizal Memorial Football Stadium dinomina ng Azkals ang Brave Reds, 4-0, sa second leg makaraan ang 1-1 draw sa first leg sa Colombo, Sri Lanka.
“What matters is really the conversion of our chances. If we can maintain our shape and make sure na ma-convert natin 'yung mga chances natin, I think we'll be okay,” wika ni Palami.
“Steep climb but anythings possible! We all gotta get it done Thurs! Do it for country, our people, our family, our friends, & ourselves!,” sabi ni Anton del Rosario sa kanyang Twitter account.
Samantala, inamin kahapon ni Dan Palami, ang team manager ng Philippine Azkals na hindi niya mababantayan ang bawat galaw ng mga ito araw-araw.
At dahilan rito ay nasangkot sa sinasabing gang rape sina Neil Etheridge, Anton del Rosario, Simon Greatwich at Jason Sabio mula sa istoryang pinaikot ni Paul Weiler na sinasabing nabigong makuha ang posisyong team consultant ng Azkals.
“Those are things that even I cannot control” wika ni Palami sa kinasasangkutan nina Etheridge, del Rosario, Greatwich at Sabio. “As far as I’m concerned, these are adults and they are not minors anymore.”
Ang pagtatakda ng team practices lamang ang maaaring makontrol ni Palami sa mga miyembro ng Azkals.
Inaasahan ni Palami na hindi makakaapekto sa laro ng Azkals laban sa Kuwait Al-Azraq ang naturang gang rape issue.