^

PSN Palaro

Banal babagsak sa 5th round - Cave

- Ni AT -

Manila, Philippines - Fifth round knockout ang nakikita ng challenger na si Tyson Cave na kanyang gagawin kapag nagkrus na ang landas nila ni WBO Asia Pacific bantamweight champion AJ Banal sa Hulyo 30 sa Hoops Dome sa Lapu Lapu City, Cebu.

Si Cave na mula Halifax, Nova Scotia, Canada, ay dadayo sa Cebu para sa kanyang pinakamalaking laban at tiwala naman itong mananalo base sa email na ipinadala ng kanyang amang si Robert Cave.

“I think your fighting community will like Tyson’s style and especially when Tyson defeats Banal in round 5,” wika nga ng nakatatandang si Cave.

May 15-1 kasama ang 5KO karta si Cave na sasagupa kay Banal sa labang handog ng ALA Promotions katuwang ang ABS CBN at tinaguriang Pinoy Pride 7: Battle at Mactan.

Si Banal na tinagurian din bilang ‘Bazooka’ ay may 24-1 na may 19 KO baraha at may pitong sunod na pa­nalo upang malagay pa ring paborito sa sagupaan.

vuukle comment

ASIA PACIFIC

CEBU

HOOPS DOME

LAPU LAPU CITY

NOVA SCOTIA

PINOY PRIDE

ROBERT CAVE

SI BANAL

SI CAVE

TYSON

TYSON CAVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with