^

PSN Palaro

Magkapatid na Lizardo babandera sa SMART national taekwondo team tourney

-

Manila, Philippines - Ipapakita ng magkapa­tid na sina Japoy at Jyra Li­­zardo ang angking hu­say sa gaganaping 34th SMART National Taek­wondo Cham­pionships sa Makati Coliseum sa Hulyo 30 at 31.

Ang magkapatid na Li­zardo ay pambato ng Pilipinas sa puwesto sa London Olympics at magagamit nila ang kompetisyong inor­ganisa ng Philippine Taekwondo Association (PTA) para mas mapag­handaan ang malalaking kompetisyon na kanilang haharapin.

Tinatayang aabot sa 2,000 ang jins na lalahok mula sa ARMM, CARAGA, CAR at NCR bukod pa sa mga PTA chapters sa pangunguna ng kampeon na UST-Black, UE, D’Club at mga sangay ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Gagamitin din sa unang pagkakataon ng PTA ang electronic scoring system na PSS (Protective Scoring System) para makaiwas sa mga human error sa junior at senior divisions.   

Ang PSS ay ginagamit na sa mga malalaking kom­petisyon sa labas ng bansa ayon kay Grandmaster Sung Chon Hong.

Ang kompetisyong ito ay handog ng SMART Communications, PLDT, Milo, Philippine Sports Commission at MVP Sports Foundation at magkakaroon ng anim na kategorya na paglalabanan sa dalawang araw na torneo na senior, junior, gradeschool (boys at girls).

Sina Lizardo ay babandera sa La Salle habang bang iba pang Olympic hopefuls na sina Marlon Avenido at Jade Zafra ay kakamada para sa UST.

Ang iba pang koponan ay mula sa Ateneo, CSB, FEU, LSGH, Lyceum, Letran, San Beda College, Don Bosco Makati, Team Baguio, Negros Taekwondo Union, UTA-Makati, DPS, Olympia, TUP, DLSZ, CEU, VAS Gym, Las Piñas Gym, Philippine Navy, Air Force, Army at Central Gym.

Ganap na alas-9 ng umaga sisimulan ang eliminasyon habang ang ope­ning ceremony ay sa ganap na ala-1 ng hapon.

vuukle comment

AIR FORCE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CENTRAL GYM

DON BOSCO MAKATI

GRANDMASTER SUNG CHON HONG

JADE ZAFRA

JYRA LI

LA SALLE

LAS PI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with