Wesley nakipag-draw kay Torre
MANILA, Philippines - Nauwi na naman sa draw ang laban ni top seed Grandmaster Wesley So sa pang limang sunod na pagkakataon, habang nakuha naman nina International Masters Oliver Barbosa at Richard Bitoon ang ikalawa sa kailangang tatlong norms para masikwat ang GM title sa ninth round ng National Championships kahapon sa NPC.
Ang World Cup-bound na si So ay nakipag-draw kay GM Eugene Torre sa 32 moves ng Queen's Pawn London System para manatili sa unahan sa kanyang 6.5 points at nakalapit sa pag-angkin sa kanyang ikaapat na sunod na korona sa nasabing annual event.
Isang GM norm na lamang ang layo nina Barbosa at Bitoon upang ganap nang mapabilang sa mga GMs ng bansa.
Isang draw ang itinulak ni Barbosa sa kanilang laro ni GM Mark Paragua mula sa 31-move Slav Exchanged Variation miniature.
Tinalo naman ni Bitoon si GM John Paul Gomez sa 38 moves ng Sicilian.
Kapwa may 6.0 points ngayon sina Barbosa at Bitoon sa ilalim ni So.
Natalo naman si GM-candidate Rolando Nolte kay France-based GM Joseph Sanchez sa 42 moves.
Sa iba pang resulta, binigo ni Italy-based GM Roland Salvador si IM Yves Ranola sa 40 moves ng Nimzo-Indian Defense, habang nakipag-draw si GMs Joey Antonio kay US-based Banjo Barcenilla sa 30 moves ng kanilang Caro-kann showdown.
- Latest
- Trending